LAME sa Tagcom
Anung oras na kami naka alis sa Bear House papuntang Tagcom tagal kasi mag ayus ni kuya Rye at kuya Jem kaya kahit wala akong ganung tulog e nauna na ko nag ayus at pumunta sa bahay nila gello andun kasi sila Zel, Kaye, at Troy.
Pag dating ko sa bahay nila Gello. ay hinanap nila si kuya Rye at Kuya Jem sinabi ko “Andun pa hinde pa sila ayus” ayun nag sipag reklamo na sila kasi naman anung oras na kasi nun ahahaha.
Ilang minuto pa dumating na sila at dumiretso na kami sa LRT2 sa santolan Station buti nga at maluwag sa lrt dami kasi naming dala pero yung iba si Sig na nagdala sinakay na namin sa sasakyan nya. Maya maya lang tumawag na si Manong kay kuya Rye andun na daw sila. at madami ng tao sabi nalang ni kuya rye malapit na kami since nasa recto station na kami papunta na ng D.Jose station ng LRT1.
Mga ilang minuto pa galing sa D.jose ay nasa Pedro Gil na kami at nag aantay na dun si Myles after namin meet si Myles ay dumiretso na kami sa Robinson para sa Tagcom habang naglalakad nakita naman namin si ELoisa sa tapat ng Saint Paul sabay biro namin “parang nag aantay lang ng costumer” at nag tawanan ang lahat.

Pag pasok sa Robinson ay isang tao lang ang agad na hinanap ko. Nakita ko siya kasama ni Manong at ni Sig kaya ayun ahaha napangiti ako at kinamusta siya ahaha”Kilig”.
Nung ma kumpleto na ang grupo ay nag pa print agad sila kuya ng reference. Tapos na bihis na.
After mag bihis ang lahat ay nagkita kita kami sa labas ng Cosplay Area para makuha namin yung number namin. Pag pasok sa cosplay area ay nag ayus ng gamit kwentuhan at praktis. Minsan ay lumalabas kami para umikot ikot nag hahanap ng kakilala at nag papa picture na din para pampalipas oras na din.

Hapon na nung nag umpisa na ang cosplay habang rumarampa yung individual cosplay ay nag prapraktis naman kami sa loob ng cosplay area kasi yung iba ay dun palang namin nasabihan ng gagawin nila at wala silang praktis.
Mga ilang minuto pa ay nag umpisa na ang group cosplay inaantay lang namin matapos yung naunang group samin dahil kami na ang kasunod. Nagkamali pa nga ng Background music na pinatugtog sa nauna samin dahil music namin yung pinatugtog.
After nila ay Kami sabi namin bahala na kung mag kalat basta tuloy lang ahahaha “Eto nga pla yung video ng skit namin”
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=IglheUDOXhw[/youtube]
Habang nag pe perform kami may hinahap ako sa paligid kaso hinde ko siya makita nung nakausap ko siya sabi nya napanood nya daw nasa taas daw siya ayun napa ngiti nanaman ako hehehe.
After nung skit namin ay ang daming nag pa group pic samin at na interview ang group namin sa IBC 13 kaso hindi ko lang alam kung anung show yun ahaha.
Medyo pagod na din ang lahat nag decide kami mag miryenda muna sa MCDO pinasunod ko dun si “Special Someone” ko ahaha. Dun kami nag tigil ng matagal dahil pagod na din kami. AFter nun balik kami sa event para antayin ang announcement ng winner.
Nung naka balik na kami sa venue ay tumambay muna ako sa DNCG kasama sya. then punta na sa malapit sa stage para sa announcement ng winner.
Nagulat kami nung tinawag ang name ng group namin kami pala yung nanalo sa Group Cosplay heheh. After nun saka lang kami nag bihis at nag Dinner kaming mag kakasama as a celebration ng group namin anung oras na din kami na tapos pasara na yung mall kaya nag decide na kami umuwi.

PANG-ASAR #1- “Pag pasok sa Robinson ay isang tao lang ang agad na hinanap ko. Nakita ko siya kasama ni Manong at ni Sig kaya ayun ahaha napangiti ako at kinamusta siya ahaha”Kilig”.
–sino naman yun at kinikillig ka pa lol–
PANG-ASAR #2- “Habang nag pe perform kami may hinahap ako sa paligid kaso hinde ko siya makita nung nakausap ko siya sabi nya napanood nya daw nasa taas daw siya ayun napa ngiti nanaman ako hehehe.”
–lol! abot tenga ngiti–
PANG-ASAR #3- “Medyo pagod na din ang lahat nag decide kami mag miryenda muna sa MCDO pinasunod ko dun si “Special Someone” ko ahaha.”
-sino naman si special someone??? lol”
utena tenjou said this on March 6, 2009 at 12:52 pm
naku kilala mo kung sino si special someone no ahahaha
chester said this on March 6, 2009 at 12:59 pm
O_O
at talagang may giling?,
hehehe ang galing…
congrats!
Ren said this on March 7, 2009 at 2:36 am
Ren - ahaha uu nga e may giling required sa skit yun ahahaha
chester said this on March 7, 2009 at 8:33 am
cospLayer ka pLa.. gusto ko din mag cospLay kaya Lang magastos masyado…wLang budget.. ahehe..
ayi cnu yun?hehe.. buti nman nakakaconcentrate ka sa performance nyo?? ..congrats
kei said this on March 10, 2009 at 9:52 am
Kei - yup tagal na din ako nag cocosplay.. and ok naman yung performance namin nung time na yun.. And about dun sa sino yun ahahaha secret po.. XD
Anyway bakit hinde nyo po try mag cosplay madami namang way dyan kung namamahalan ka sa gastos daming mura dyan na pagawaan o kaya ikaw mismo gumawa XD
chester said this on March 10, 2009 at 9:59 am