header image
 

2nd PCC Hangover

Pasado 1:00pm na ako nakarating sa Robinsons Manila para sa Philippines Cosplay sa kadahilanan kailangan ko pang pumasok sa trabaho ko. Papunta palang ako sa event ay tumawag sakin si kuya Rye at tinanong kung pwede akong sumali sa group skit nila dahil kulang daw sila.

Kuya Rye: Ches pwede ka bang sumali sa skits kulang kami e.
Ches: Ah Eh hinde ko alam gagawin sa skits nyo d naman ako umaattend ng praktis.
Kuya Rye: Madali lang turuan ka namin pag dating mo dito.
Ches: Wala akong dalang costume manonood lang ako kaya pupunta.
Kuya Rye: Ok na yan pwede na yan madali lang naman yung skit
Ches: Ahh Ehhh sige.

Pumayag nalang ako wala din naman choice panigurado pipilitin pa din naman nila ako e.

Nang makadting sa Robinsons Manila ang daming tao nag dalawang isip kung sasali pa ako sa kanila e nakita na ako ni gello at ni kuya Rye nasama na ko sa loob ng cosplay area walana nga akong magawa inayus nalang nila yung buhok ko.

Mga ilang oras pang dumaan ay nag start na yung cosplay at nalaman namin na wala kaming kalaban kami lang yung group kaya sabi ko “wala naman palang kalaban kayo nalang mag perform” hinde sila pumayag sumali pa din daw ako.

Natapos ang individual cosplay at nag start na kami grabe nakakahiya talaga yung skit namin kaso walang magagawa andyan na e napasubo na ako.

Panoorin nyo nalang yung skits.

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=jqWHRmwYGhI[/youtube]

Video by Kihtmaine Hobbies

After nung skits ay nakita ko yung ibang kakilala kong cosplayer at nagpa picture nalang ako sa kanila since wala naman akong suot na costume.

After ng ilang oras ay nag announce na ng winner since wala kaming kalaban panalo kami. Pero nakakahiya pa din yung ginawa namin..


Check PCC Gallery Here -> PCC Photos

~ by bschester on March 29, 2009. Tagged: , ,

Leave a Reply