Sipa ng Redhorse
After office hour nung sabado ay dumiretso na ko sa bahay at tumambay na sa ragnarok at iniwang bukas ang laptop. pumunta sa kapit bahay at nakipag kwentuhan.
Nakita ko sa labas ng bahay si mama nakaupo sa harap ng bahay kaya inabutan ko siya ng pera.
Ches: Ma oh pang date nyo ni papa
Mama: Salamat
Sabay lapit kay papa si mama at nag bihis yung dalawa para mag date at naiwan ako sa bahay mag isa. Sa wakas at mag isa din ako sa bahay mahaba habang tulog din ang magagawa ko ng walang istorbo. Pag pasok ko sa aking kwarto ay inayos ko ang character ko sa ragnarok upang mag vend ng sa ganun kahit tulog ako ay maubos ko yung paninda ng character ko at mabili ko yung need kong equips. after mag set-up ng vend ay natulog na ako.
Mga 8:00pm na ako nagising sinilip ko yung blacksmith kong nakavend at maynabili naman kahit papano tapos nakrinig ako ng ingay sa labas ng bahay kaya lumabas ako.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko yung tropa ko at tinawag ako pinapasok ako sa loob ng bahay nila at humarang siya sa pinto nagulat ako sa nakita ko ahahaha at nag iinuman sila habang nag vidoeke yun pala yung naririnig kong ingay yung mga boses nila habang kumakanta.
Dahil nasa loob na ko walana akong choice kundi makisali ininimon ko bawat tagay na dadaan sakin. maya maya napansin kong mataas na yung tagay pero kaya ko pa naman.
Inabot kami ng mga 1:00am at sakto naubos na yung iniinom bumulong sakin yung tropa ko.
David: Ches may pera ka jan?
Ches: Bakit iinom pa?
David: Hinde na bili lang tayong lugaw
Ibinigay ko lahat nung dala kong pera at umalis kami para bumiling lugaw.
Habang nag lalakad kami palabas sa lugar namin ay bigla nagiba pakiramdam ko at nahilo nag decide pa din akong sumamang bumili.
Pagdating namin sa bilihan ng lugaw ay hinde ko na talaga alam yung nararamdaman ko tinamaan na ko nung ininum namin.
Regie: Ches anu nanyayari sayo?
Ches: Nahihilo na ata ako bigla nag iba yung pakiramdam ko e
David: Dun ka muna habang nag aantay
At hinatid ako ni regie sa may sulok habang inaantay ko sila.

Maya’t maya pa ay hinde ko na talaga matiis at sumuka na ako ng madami after nun hinde ko na maalala yung nanyari ang alam ko lang ay bumalik kami sa lugar namin at kumain sila ng lugaw ako naman ay nagpahinga at umuwi na nung medyo ayos na ako.
Pag kauwi ko ng bahay ay natulog agad ako.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising at kinausap ni mama.
Mama: Hinahanap ka ni david ah lasing ka daw kagabi
sabay tawa naman ako. pag labas ko ng bahay nakatambay sila dun at nung nakita nila ako ay sabay sabay nalang kaming nag tawanan.
Nag yaya sila kung mamaya daw uli sabi ko hindi ako pwede dahil pupunta ako mamayang gabi sa birthday ng ka guild ko sa ragnarok.

Leave a Reply