Set-up Date?
Last Feb 13 pag kagaling ko sa office ay nag madali akong umuwi para mag laro ng new games sa psp ko.
Habang nag lalaro ako a nag text sakin si miggy at nag yayaya sa moa.
Miggy: Ches pede ka ba sumama sa Moa?
Ches: Kelan?
Miggy: Ngayon na text kita pag nasa recto na ko kita nalang tayo dun
Ches: *napaisip ” dahil gabi na”* O sige ayus lang ako.
Kaya nag ayos na ko nag short lang ako dahil gabi narin naman yun.
Habang nag lalakad paalis ng bahay naalala ko wala akong pera kaya naiisip kong dumaan sa isang atm machine malapit samin.
Habang nakapila ay nag text sakin si miggy at nasa recto na daw siya sabi ko wait lang at ma late ako mahaba pila sa atm machine.
Kaya pinapunta ko nalang siya sa D.Jose station ng lrt1 para dun ko nalang siya meet.
Magdaan ang ilang minuto ay nag text ako kay miggy tinanong ko kung asan siya dahil nasa D.Jose na ako sakto namang pag labas ko ng lrt ay andun na siya kaya sumenyas ako na bumili nalang sya ticket pa gil puyat para hinde na ako lalabas ng station at hinde na uli bibili ng pamasahe.
Pagadating namin sa moa ay nagtanong ako.
Ches: Ano ba gagawin natin dito at gabi na ay bigla kang nag yaya
Miggy: Basta Ches dalawa yun tig isa tayo.
Ches: Tae ka makikipag date ka lang sinama mo pa ko
Miggy: e may kasama siya kaya sinama na kita
Ches: langgya may magagawa pa ba ko e andito na ako
Miggy: may banda daw manunuod lang naman tayo
Ches: ok.

Habang hinahanap namin yung i meet naming babae ay nagutom ako dahil wala pa nga akong kain nung umalis ako sa bahay kaya nag yaya ako sa food court.
Pagdating namin sa food court
Ches: kakain ka ba oorder na kasi ako
Miggy: antayin daw natin yung dalawang ka meet natin sabay daw sila
Ches: asan na ba sila?
Miggy: puntahan daw natin dun sa figaro daw malapit sa bay.
Ches: Langya ang layo ah.
Umalis kami sa food court at pumunta sa bay para hanapin sila nilakad namin yung kahabaan nun pero hinde namin makita.
Ches: asan na ba sila? naasar na ko pagod at gutom na ako
Miggy: Andun daw sila sa may IMAX sa entrance
Ches: putragis ang layo naman andun na tayo kanina ah. uwi nalang kaya ako naasar na ko
Miggy: tara na ches sige na andito na din naman tayo
Ches: O sige tara na amp naman
Kaya diretso kami sa IMAX! pag dating namin dun ay wala sila kaya nag reklamo na ako sabi ko sa foodcourt na tayo kumain anung oras na oh!!. after nun nag text nanaman yung girl kay miggy sa baba pala sila at nasa taas kami langyang yan pano nga naman kami mag kikita nun. kaya bumaba na kami.
Pagbaba namin ay nakita na ni miggy yung ka meet namin at pinakilala ako ni miggy ganun dun yung girl pinakilala yung isa nyang kasama. pero medyo hinde pa din nawala yung asar ko hinde ko nalang pinahalata at sa una palang hinde ko na gusto yung ugali nila lalo na nung makita ko na ng personal medyo may kalandian at kaartihan sila.
nagkayayaan na kumain akala ko ay matutuwa ako dahil nga sa wakas kakain na pero langyang yan kakain nga demanding naman nag hanap pa kami ng kakainan dun sa bay nilakad namin buong bay sa moa putragis walang nagusthan sa dami daming kakainan nun hinde pa nakapili at pinili pang bumalik kami sa loob ng moa.
Medyo hinde ko nagustuhan yung napili nilang kakainan namin dahil sa mahal na ng pagkain nag iinarte pa yung dalawang babae at ang daming reklamo. kaya nag tiis nalang ako dahil alam kong after kumain ay uuwi na kami at pasara nadin yung mall.
sabay sabay kami umuwi at nag hiwalay hiwalay nalang kung san sasakay pauwi. nag text sakin si miggy at nag sorry mali daw yung desisyon nya na i meet yung girl. sabi ko ok lang nanyari na pag isipan mo nalang sa susunod nag sayang lang tuloy tayo ng pera. parang sinetup mo pa ko hehehe.
kaya bumanat siya sa sunday birthday ko bawi nalang ako sayo. sabi ko nalang ok sige dahil inaantok na din ako nun madaling araw na ko nakauwi kasi.

Leave a Reply