header image
 

Kaarawan ng aking kapatid

Pag kauwi ko last wednesday after work ay dumaan ako sa mall upang bumili ng chocolate moose cake sa golilocks upang ibigay sa aking kapatid dahil kaarawan niya tapos umuwi na ako ng bahay.

Pag dating ko sa bahay ay nakita ko ang aking tita may hawak na isang dosenang bulaklak para sa aking kapatid. tinanong ko kung para saan iyon.

Ches: Para kanino yan?
Tita: Sa kapatid mo.
Ches: Wow naman san galing yan?
Tita: Dun as boyfriend nyang nakilala nya sa chat na taga florida.
Ches: Wow imported ahaha
Tita: Ako nga hinde naka tanggap ng ganito eh.

After ng usapan namin ay iniabot ko ang cake sa kapatid ko at umakyat na ko ng aking kwarto upang mag bihis. Pag tapos mag bahis ay nakipagkulitan ako sa mga kaibigan sa labas habang inaantay yung choirmates na bisita ng kapatid ko.

Gabi na nga makarating sila nakisabay na ko kumain sa kanila dahil ka close ko naman sila, nag harutan, nag videoke biritan to the max.

Hanggang sa nagkayayaan ng inuman at nalasin ang lahat pati ako lasing ahahah pero matino pa naman. Umalis ako saglit upang mag check ng ym at plurk iniwan ko kasing naka bukas ang laptop ko at naka online ang ym at plurk ko nakalimutan ko palang alisin ang status ko sa ym na “Laseng” kaya ang daming nag leave na message na “alam kong may problema ka pero wag mo idaan sa alak ang lahat”. ahahah anak ng tipaklong uu nga may problema nga ko pero hinde yun ang reason bat ako nalasing paliwanag ko sa kanila at balik sa baba upang makipag inuman uli.

After ng inuman ay tumambay pa ko sa labas kasama nung mga tropa ko dito sa bahay nakipag kwentuhan sandali tapos umuwi at natulog.

~ by bschester on February 13, 2009. Tagged: ,

Leave a Reply